Saturday, July 3, 2010

Finding Beki

“Bakit ang daming bakla?” That’s the usual question of straight people. Actually, I’m, wondering din kung bakit nga ba dumadami tayo. Parang kahit saan ka magpunta, laging may beki. Sa isang puno na jeep, 97.8% sure na may bakla, lalo na sa jeep kung saan ako nakasakay (syempre, ako yun!). Kahit sa mga lugar na inaakala mong na walang beki, ay may beki pa din. Pero may mga BEKI SPOTS na talagang walang palyang pinamumugaran ng ating mga kapatid.