Saturday, July 3, 2010

Finding Beki

“Bakit ang daming bakla?” That’s the usual question of straight people. Actually, I’m, wondering din kung bakit nga ba dumadami tayo. Parang kahit saan ka magpunta, laging may beki. Sa isang puno na jeep, 97.8% sure na may bakla, lalo na sa jeep kung saan ako nakasakay (syempre, ako yun!). Kahit sa mga lugar na inaakala mong na walang beki, ay may beki pa din. Pero may mga BEKI SPOTS na talagang walang palyang pinamumugaran ng ating mga kapatid.

GYMS AND SPAS

Two years back, nag gym ako sa FITNESS FIRST. Honestly, I got scared of the “AURADOR”, yung mga mahilig mang aura na mga beki. I got so many scary experiences in the gym, especially in the locker and shower area. Nandyan yung kakatukin ka and aayain ka mag sex; sisilipan ka sa ilalim ng frozen glass door; lalapitan ka at hihimasin yung likod mo; or even tatabihan ka ng crush mo at magja-jack off sa tabi mo. Tempting but NO! Halos ganito din ang eksena sa mga spa. Here are the reasons I see why gays go to the gym and spa.

1. To be fit and healthy.
2. To relax and mingle with other people.
3. Para mang aura.
4. Para makakuha ng booking
5. Para magpa cute at ma-book.

THE COFFEE SHOPS

Syempre, nangunguna na dyan ang STARBUCKS! Di ko alam kung bakit mahilig magkape ang mga beki. I seldom go to Starbucks for some reasons: 1st, I don’t drink coffee; 2nd, I find it unpractical to buy a P150 worth coffee or frappe; and 3rd, wala kang mauupuan dahil sa dami ng beki na nakatambay. Aminin na natin, mahilig maki pag sosyalan ang lahi natin. Starbucks is considered as a high-end brand, kaya naman ang mga lola nyo, aariba talaga sa Starbucks (kahit yung iba nating mga ate ay wala ng makain, basta maka pag kape lang). Bakit? After observing, I end up with some conclusions.

1. Para maging IN at magmukang sosyal.
2. Para magpa-cute sa iba pang beki na mag-isang nagkakape.
3. Para makipagmeet sa ka-chat kagabi.
4. Para i-meet ang kanyang beki a la jejemon clan.
5. Para mag review at mag-aral dahil di daw sila maka pag review at makapag-aral sa bahay.
6. Para i-meet ang mga kaibigan at mag relax at magkuwentuhan
7. Para mag-isip at maging emo / loner.
8. Para sa business meeting.

MALLS


BInoma, GAYway, Rob Gale at Rob Ermita– ito ang mga mall ng mga beki sa Metro Manila. Nagsa-shopping, nagpapalamig at nag-aaura dito ang ating mga kapatid. Madalas din dito nagaganap ang mga GRAND EYEBALL ng mga grupo ng kabekihan na nabuo sa chat. Dito nagaganap ang mga pagpapa-cute at titigan ng mga beking gustong makakilala ng mga beki. Dito nila inirarampa nga mga damit na binili nila na mas mahal pa sa sinusuwledo nila. Dito sila pumoporma ng akala mong may fashion show. Bakit? Dahil dito, MALIWANAG. Madaming ilaw, Kitang-kita kung sino talaga ang cute at kung sino ang cute lang sa dilim.

BARS AND CLUBS

Ito na ang pinakapaborito ng lahat. Heart pounding muzak and overflowing booze! TUGS! TUGS! TUGS! Thursday pa lang, buhay na buhay na ang kalye ng Malate. Minsan pa lang ako naka pag party sa Malate at hindi pa sa Orosa. Ayon sa mga kwento ng mga kaibigan kong suki ng Bed at O-Barr, masaya daw sa Malate. Di daw kumpleto ang kabaklaan mo kung di ka nakahataw at nakarampa sa Orosa lalo na kapag BIG NIGHT (I know that you know what I’m talking about). Minsan gusto ko talagang subukan at alamin kung ano ang meron at kung ano ang pakiramdam. Pero, it’s not my time yet. Maybe on 2023.

Kasama din sa category na ito ang mga comedy bar na ang lahat ng pumupunta ay mga beki lang at mga babaeng bakla tulad ng P2 at Bar Uno.

Isa lang ang nakikita kong dahilan: TO HAVE FUN! It’s up to you kung paano mo i-define ang FUN.

PUERTO GALERA AND BORACAY

Sama-summer talaga ang mga ate natin kapag tag-araw at tutungo sa mga beach kung saan may convention ang mga beki – ang satellite gay convention sa Boracay at ang main gay convention sa White Beach ng Puerto Galera.
I already attended “conventions” in both venues. I really felt at home and in heat! Ahahaha. Sino bang di mag-iinit sa mga kalalakihang di naman pala lalaki na naka topless at ang gaganda ng katawan? Fiestang-fiesta ang Holy Week para sa atin. Dapat magkaroon na ng pistang opisyal ang Puerto Galera para sa mga beki.

Pero, katulad din ng reason na nilagay ko sa naunang category, gays go here TO HAVE FUN! BIGGER FUN!

To end this post, sasagutin ko ang tanong ng mga straight: Bakit ang daming bakla?

Gusto mong malaman ang sagot? Maging bakla ka para malaman mo ang sagot. Tapos, tatanungin kita: Gusto mo pa bang maging straight?

1 comment:

  1. Hahaha. I actually enjoy being gay.

    Fickle Cattle
    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete