Tuesday, June 22, 2010

I'm a Waiter

I was rushing to the FX terminal to catch the last FX going home. Fortunately, I got there just in time… Just in time to WAIT for one more passenger. Ahahaha. Ito ang ayoko – Ang naghihintay.

For over 25 months, I’ve been waiting for that special someone. Ang tagal ko ng single. Matagal na akong walang tinatawag na “mahal” or “baby”. Matagal ng walang tinetext ng “I miss you” or ng “I love you”. Matagal na akong walang ninanakawan ng halik. Matagl na akong walang kamay na hinahawakan ng mahigpit at katawan na niyayakap… hinuhubadan… hinahalikan… dinidilaan…. AY STOP! Di pala ito Xerex. Ahahaha. Going back… Minsan, sa sobrang tagal ko ng naghihintay, feeling ko nakalimutan ko na kung paano kiligin…Kung paano magmahal.

Di ko alam kung bakit biglang bumuhos ang emosyon ko ngayong gabi. Ang alam ko lang, pagod ako sa trabaho at pagod ang katawan ang utak ko. Napaagod na din kaya ako sa paghihintay?

Habang nasa viaje pauwi, katext ko ang isa kong kaibigan, si Ervin (di tunay na pangalan, parang SOCO lang). Na-open ko sa kanya ang topic ng pagiging single naming dalawa. Sabi ko parang malapit na akong mag-give up. Then I realized na Ervin has been single for over 4 years na. Ano naman sinabi ng 2 years of singlehood ko? Ervin is one good guy, just like me (ahahaha). We are having a hard time figuring out why we are still single. Di naman kami choosy kasi wala naman kami pagpipilian. Mabait naman kami, presentable, may matinong trabaho, may sense kausap… Pero why does Cupid seems to have a hard time finding our matches?

Should I still believe in “Great things come to those who wait” and “Patience is a virtue?” Pero paano na ang “Time is Gold” at ang “Every second counts” ng StarStruck kung maghihintay ako?

Di ako nagrereklamo. Nagtatanong lang. Kasi minsan pag naliligaw ka na, kelangan mo magtanong kung tama pa ba yung dinadaanan mo.

Alam ko naman kung ano ang sagot.
Why am I single? Because it’s not my time yet.
Sabi nino? Sabi ni Bro! Well, at least ayun yung nafi-feel ko na gusto nya iparating.

And all I can do is wait for my shining moment.

I'm just 23 years old. Bata pa para mag-inarte sa pagiging single.

Malay mo bukas, kami na ni Coco Martin. Ahahaha.

Pero sa ngayon “WAITER” na muna ako.
Laging “At your service!”


PS
Pero paano kung katulad kanina sa FX?
Nainip ang driver at hindi na naghintay ng 10th passenger.

Isa lang ang ibig sabihin nun…
Manonood pa ng Queen Seon Dok si Manong Driver kaya nagmamadali umuwi! Ahahaha
.

3 comments:

  1. 1 and 1/2 yrs nako.. ^^,

    ReplyDelete
  2. @FERDINAND: That's okay. I have a friend nga na since birth walang boy friend. We should be thankful pa. I hope mag-endo na tayo bilang mga "waiter".

    ReplyDelete
  3. ok lang ma maging waiter. you get to "serve" alot of people during ur shift.

    ReplyDelete